Wednesday, September 28, 2011

Naging mas mabuti nga ba?

Written last night, after feeling oblivous...for the Rs



Naging mas mabuti nga ba?
Kung hindi na lang ako nagpakita sa inyo
At tuluyang pinutol ang ugnayan ng dugo?

Naging mas mabuti nga ba?
Kung nanatili na lang akong tahimik
At tuluyang naglaho nang walang imik?

Naging mas mabuti nga ba?
Kung hinayaan ko na lang mawala sa inyong alaala
At tuluyang ilayo ang buhay ng aking pamilya?

Marahil, naging mas mabuti nga sa aking pagkatao
Kung hindi ko na inilapit ang sarili sa inyo
At sa inyong hinagap ay unti-unting maglaho
Na minsan ay kami ay nabuhay sa mundo.

Gayunpaman, batid ko na ang Diyos ay may plano
Kung bakit nararamdaman ko ang ganito
Sa ngayon ay puno at tigib ng hinampo
Sa tulong ng Diyos lilipas din ang lahat ng ito.


I pray this feeling will soon pass; I don't have to regret my decision of opening my life, letting them enter my life after many years of estrangement.

0 comments:

Post a Comment